^

PM Sports

George, Tatum inakay Celtics vs Bucks

Pang-masa

MILWAUKEE — Bumanat si Paul George ng 27 points, habang may 21 markers si Jayson Tatum para banderahan ang Boston Celtics sa 117-97 paggupo sa Bucks.

Nauna nang tinalo ng Boston (8-2) ang Sacramento (1-9), 109-102, noong Martes kung saan hindi pinaglaro si Tatum.

Kumamada si Kyle Kuzma ng 27 points para sa Bucks na kaagad kinuha ang 20-6 kalamangan sa first period bago binanderahan nina Tatum at George ang isang 18-0 atake ng Celtics para agawin ang 58-45 halftime lead.

Iniskor ng Boston ang unang siyam na puntos sa third quarter patungo sa pagtatayo ng isang 22-point lead na hindi na napababa ng Milwaukee sa final canto.

Sa iba pang laro, sinunog ng Miami Heat ang Sacramento Kings, 114-108; wagi ang Philadelphia 76ers sa Chicago Bulls, 127-121; tinalo ng Los Angeles Lakers ang Detroit Pistons, 121-116; panalo ang Minnesota Timberwolves sa Utah Jazz, 115-100; at d­inaig ng Dallas Mavericks ang Brooklyn Nets, 130-93.

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with