^

PM Sports

Pikon, talo

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Nagsalita na si coach Louie Alas, umamin na tinalo ng emosyon kaya’t kinompronta si Jacob Bayla pagkatapos ng kanyang dunk sa dying seconds ng 82-74 UP win kontra Ateneo last weekend.

Talo na nga naman sila, na-dunk-an pa sila sa harap mismo ng kanilang bench. Araguy!

Pero kay Alas mismo nanggaling – walang written rule na nagbabawal kahit kaninong player na mag-shoot sa dying seconds ng won ballgame.

Sumabog si Alas dahil aniya sa “unspoken rule” na hindi sinunod ni Bayla.

Ang tanong: Unspoken rule nino? Kanino nangga­ling ang rule na ito?

Siguradong malaking debate ito. ‘Yong mga exposed sa NBA games, pwedeng papanig sa sinasabi ni coach Louie. Pero ang mga nanood ng laro sa kapanahunan ni coach Louie at sa mga nauna pang kapanahunan, sasabihing kalokohan ito.

Syempre, lahat eh naiintindihan ang quotient kung saan importante ang bawat puntos.

At pwede mo bang sabihin iyan sa kagaya ni cage legend Robert Jaworski na laban all the way – hanggang sa huling sandali – para sa kasiyahan ng manonood?

Ang mga gaya ni Tim Cone, Yeng Guiao at Chot Reyes ay nakita na rin sumabog sa kaparehong issue.

Pero pagkatapos magmuni-muni, tahimik ang pag-amin tinalo ng emosyon.

Isyu ba ito ukol sa respeto?

Maaari. Pero mukhang mas totoong trigger ang pagkapikon.

At ang kasabihan, kung sino ang pikon, siya ang talo.

JACOB BAYLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with