Cavaliers dinagit ng Hawks
ATLANTA — Humakot si big man Onyeka Okongwu ng season-high 29 points at 12 rebounds sa 114-111 pagdagit ng Hawks sa Cleveland Cavaliers.
Winakasan ng Atlanta ang kanilang three-game losing slump para sa3-3 record at pinigilan ang three-game winning streak ng Cleveland (3-2).
Idinikit ni Donovan Mitchell ang Cavaliers sa 111-113 mula sa kanyang driving layup sa huling 20.6 segundo ng fourth quarter.
Ang dalawang free throws ni Nickeil Alexander-Walker sa nalalabing 15.3 segundo ang naglayong muli sa Hawks sa 114-111.
Bigo naman si Mitchell sa kanyang dalawang tangka sa huling posesyon ng Cleveland.
Nagdagdag si Alexander-Walker ng 25 points para sa Atlanta, habang may 20 markers si Aaron Wiggins mula sa bench.
Pinamunuan ni James Harden ang Cavaliers sa kanyang 24 points kasunod ang 22 markers ni Mitchell.
Sa Portland, inilista ni Cameron Boozer ang triple-double na 18 points, 12 rebounds at 12 assists para gabayan ang humaharurot na Memphis Grizzlies (5-0) sa 124-103 pagdaig sa Trail Blazers (3-1).
Sa New Orleans, tumipa si Jeremiah Fears ng 22 points bukod sa career-high 13 assists para tulungan ang Pelicans (1-4) sa 132-120 pagpapabagsak sa minamalas na Sacramento Kings (0-5).
- Latest

















