^

PM Sports

Take a bow, JMF

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Pumunta sa midcourt at nagtaas ng bola si June Mar Fajardo, hudyat ng kanyang pamamaalam sa Gilas Pilipinas fans pagkatapos ng Philippine-Iran match sa MOA Arena Sunday night.

Magandang farewell game ang naihatid ni The Kraken, sa pagsasara ng 13-year service sa national team na nagsimula noong 2013 FIBA Asia Championship sa parehong venue.

Last man standing si Fajardo sa 2013 Gilas team na kinabibilangan din nina Jimmy Alapag, Jayson Castro, LA Tenorio, Gabe Norwood, Jeff Chan, Gary David, Larry Fonacier, Marc Pingris, Ranidel de Ocampo, Japeth Aguilar at naturalized player Marcus Douthit.

Kahit minimal minutes ang mga inilaro sa likod nina Douthit at Andray Blatche, meron siyang bright moments, kasama na ang Gilas OT win over Senegal sa 2014 World Cup sa Seville, Spain.

At syempre, hindi matatawaran ang kanyang pag step forward at pagtayo sa shaded lane, sa maraming pagkakataon na may mga players na tumatalikod sa pagsuot ng national jersey.

Kasama siya sa circle ng mga Loyzagas, Jaworskis, Caidics, Patrimonios, Calmas at iba pa na mahabang panahon nagsakripisyo upang itayo ang laban ng Team Philippines.

At puno ng saya ang kanyang puso sa pamamaalam sa Gilas.

Una, dahil na sweep nila ang Jordan at Iran sa crucial window ng FIBA World Cup qualifier. Ikalawa, alam niyang capable ang mga maiiwang big men sa national team.

Wala ang gaya nina Blatche at Douthit, pero nandiyan si Kai Sotto at AJ Edu – young, energetic at malala­king frontcourt players na kayang makipagsabayan sa mga higante ng kalaban.

Kontra Jordan at Iran, si Sotto at Edu pa nga ang nangmama ng mga kalaban.

So, take a bow, June Mar!

At kunin mo ang baton, Kai!

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with