Beda babandera sa Group A
MANILA, Philippines — Makakasama ng nagdedepensang San Beda University sa Group A ang College of St. Benilde sa pagdribol ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament sa Setyembre.
Bukod sa Red Lions at Blazers, ang iba pang nasa sinasabing ‘Group of Death’ ay ang Jose Rizal Heavy Bombers, Mapua Cardinals at Lyceum Pirates.
Nasa Group B ang Season 101 runner-up Letran Knights, Arellano Chiefs, Emilio Aguinaldo College Generals, Perpetual Help Altas at San Sebastian Stags.
Winalis ng San Beda ang Letran, 2-0, sa kanilang best-of-three championship series sa nakaraang taon.
Hinirang si Bryan Sajonia ng Red Lions bilang Finals MVP, habang si Allen Liwag ng Blazers ang kinilalang Season MVP.
- Latest




















