^

PM Sports

Win no. 3 misyon ng Road Warriors

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Win no. 3 misyon ng Road Warriors
Isa si guard Schonny Winston (No. 14) sa mga muling aasahan ng NLEX sa pagsagupa sa Titan Ultra.
PBA Image

MANILA, Philippines — Walang preno-preno para sa NLEX na tangkang patatagin ang kapit sa unahan ng karera kontra sa kulelat na Titan Ultra sa umiinit na PBA Season 50 Governors’ Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Solo sa tuktok ng Group A ang Road Warriors ngayon hawak ang 2-0 kartada subalit gusto pang palawigin ang bentahe mula sa mga karibal upang makapuhunan nang malaki sa two-round eliminations.

At Titan Ultra ang haharang sa kanilang daan sa alas-5:15 ng hapon para sa naturang misyon bago ang inaabangang unang salang ng San Miguel Beer at guest team na Macau G­iant Pandas sa main game sa alas-7:30 ng gabi.

Sa mando ng bagong head coach na si Jimmy Alapag, malaki ang inaasahan sa NLEX nga­yong conference at napatunayan nila iyon sa kabila ng magkasalungat na panalo.

Tinambakan ng NLEX ang Macau, 114-75, subalit muntikan pang masilat ng Terrafirma bago maitakas ang pambihirang 101-100 panao kontra sa Dyip matapos malustay ang 23 puntos na bentahe.

“I think it showed that we still have a lot of work to be done. I said it the last game, malayo pa. There’s still so much season left,” ani Alapag na nagbalik sa Pinas upang maging first-time head coach matapos ang assistant coaching gig sa NBA at G-League para sa Sacramento Kings.

 Muling sasandal si Alapag sa pambatong import na si DeQuan Jones.

Hahamon sa kanya si Tirrel Brown ng Titan Ultra matapos hindi makakuha ng FIBA clea­rance si James Milton dahilan upang magparada ng All-Filipino crew si head coach Rensy Bajar.

NLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with