^

PM Sports

Sweep?

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Champion uli ang Barangay Ginebra. At nadagdagan ang PBA title ni Justin Brownlee.

Kampeon muli si Brownlee at ang Gin Kings sa conference na walang height limit ang imports.

Ang tanong ngayon: Sino ang pipigil sa koponan ni coach Tim Cone sa susunod na conference kung saan kapeso ni Brownlee sa height ang mga imports?

Pinatupi ni Brownlee ang mga seven-footers sa Season 50 Commissioner’s Cup. Next month, sisimulan niyang banggain ang mga 6-foot-6 rivals sa Governors Cup kung saan apat na beses na niyang dinala ang Gin Kings sa rurok ng glorya.

Bago ang Commissioner’s Cup finals, saad ni Cone: “It’s our time.”

Pagkatapos ng tatlong sunod na finals losses sa TNT, nakabawi nga ang Gin Kings, hinugot ang korona sa pamamagitan ng 88-76 Game 7 win sa harap ng 24,617 fans sa MOA noong nakaraang gabi.

Syempre, next goal ng Ginebra ang sweep sa Season 50 import-laden conferences.

Nakakapitong PBA championship na si Brownlee. Pero walang sweep ng Commissioner’s Cup at Governors Cup sa isang season.

Tangan ni Rondae Hollis-Jefferson ng TNT ang rare feat na kanilang ginawa last season.

Pero syempre, inat-inat lang ang Ginebra sa paghabol sa susunod na korona. Ika nga eh one game at a time.

Sa ngayon, lalang­hapin pa nila ang aroma ng Commissioner’s Cup championship. Si Brownlee, lalasapin pa ang kanyang latest championship run.

 “Ten years ago I would never have thought I’d be still playing at 38 years old and winning championships. But these fans, they give me the energy to go out there play for them, play for my family and give my best,” ani Brownlee sa gitna ng kanilang championship celebration.

JUSTIN BROWNLEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with