BPC si Abarrientos?
Fixture sa PBA awards si Robert Bolick mula sa kanyang pagpasok sa pro league noong 2018-19 season.
Ilang beses ng nanguna sa stats race pero hindi makuha ang top award – MVP at BPC – dahil hindi makausad ng malalim sa playoffs ang kanyang koponang NLEX Road Warriors.
Panibagong talisod kaya ang kanyang maranasan sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup?
Pacesetter siya sa stats derby sa elims. Ang siste, hindi na naman nakapalaot ng malayo ang Road Warriors sa post-elims play.
Among Top Five, si RJ Abarrientos ng Barangay Ginebra ang tanging umabot sa semifinals.
Kasama ni Bolick na nag-exit sina June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Ricci Rivero ng Phoenix Super LPG at Zav Lucero ng Magnolia.
Kung patuloy bumandera si Abarrientos sa Ginebra sa kanilang semis showdown kontra Rain or Shine, eh baka maidagdag sa kanyang trophy cabinet ang Best Player of the Conference award.
At mauututan na naman ang pinundar na stats ni Bolick. Araykupo!
Ang naiwan na naghahabol sa likuran ni Abarrientos eh ang kanyang Ginebra backcourt partner na si Scottie Thompson at Meralco gunner CJ Cansino.
Wide open ang rumble para sa Best Import award. Kung sino ang umabot sa finals ang malamang na matira sa laban.
Ang semis pairing: Justin Brownlee ng Barangay Ginebra versus Jaylen Johnson ng ROS at Bol Bol ng TNT against Marvin Jones ng Meralco.
Parehong magandang matchup.
- Latest




















