^

PM Sports

2 ginto sinipa ng Pinoy Karatekas

Russell Cadayona - Pang-masa
2 ginto sinipa ng Pinoy Karatekas
Napasigaw si Franzcis Erl Jud Abundo matapos makuha ang gold medal.
PSC photo

MANILA, Philippines — Matapos ang tatlong araw na kawalan ng medalya ay anim ang inangkin ng Team Phi­lippines sa pagtiklop ng Karate One-Youth League na inihahandog ng Philippine Sports Commission kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bumida sa ratsada ng mga national karatekas sina Kathleya Ealaine Bustamante at Franzcis Erl Jud Abundo na kumolekta ng tig-isang gold sa kanilang mga weight divisions.

Tinalo ng 13-anyos na si Bustamante si Ana Jovic ng Australia, 6-2, sa finals ng U14 kumite female -47 kilogram division sa event na sinalihan ng kabuuang 790 karatekas mula sa 58 bansa at itinataguyod ng Lanson’s Place, Citadines Bay City Manila at Milo.

Ito ang unang major international competition ng 13-anyos na si Bustamante.

“I’m very happy that I was able to win the gold,” sabi ng incoming Grade 8 student sa Notre Dame of St. Therese of the Child Jesus sa General Santos City.

“I dedicate this win to my parents who supported me all the way since I’m eight years old,” dagdag ng karateka na naunang umiskor ng 2-0 abante laban kay Nikolic.

Samantala, maagang regalo naman ang nakamit ni Bustamante na ipagdiriwang ang kanyang ika-13 kaarawan ngayong araw.

Dinomina ni Abundo si Wan Azlee Khairi Bin Wan Zuraimi ng Brunei Darussalam, 7-0, sa gold medal round ng U14 kumite male -40 kg category.

Nag-ambag ng tig-isang silver sina Dean Caleb Montalbo sa U14 kata male at Alexa Rae Vallesteros sa U14 kata female sa torneong may basbas ng World Karate Federation at inorganisa ng Karate Pilipinas Sports Federation, Inc.

Ang dalawang bronze ay nanggaling kina Kayla­ni Vergara sa U14 kumite female -47kg at Ashana Geanne Sabote sa U14 kumite female 42kg.

KARATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with