Asan ang local riders?
Na-witness na naman ng mga Pinoy ang thrill, excitement at drama ng cycling tour. At kasama sa muling nakita ang lakas ng international riders.
Sa Tour of Luzon latest edition, nagbida sina Russian rider Nikita Shulchenko at French Antoine Huby. Tour champ si Shulchenko samantalang mountain king si Huby.
Noong Tour of Luzon revival last year, dominante ang eventual champion na si Joo Dae Yeong mula Korea.
Muling successful ang pakarera ng MPTC na suportado ng Philippine Sports Commission at MVP Group of Companies.
Pero mas makinang sana ang ningning ng Tour kung nasali sa contention at drama ang local riders.
Ang siste, pawang international riders ang kumarera sa glorya sa karera kung saan fourth place ang pinakamataas na finish ng Pinoy bets sa katauhan ni Nash Lim.
Malayo ang iwan ni Lim sa trangko – 9:13 minutes.
Sina Ronnilan Quita (sixth), Melvin Corpuz (seventh), Rustom Lim (eighth) at Rench Michael Bondoc (10th) ang ibang Pinoy na tumapos sa Magic 10.
Mas nakakakiliti ang mga lumipas na panahon kung saan tinutukan ang mga mainit na bakbakan nina Guieb-Llentada, Guieb-Dolosa, Dolosa-Mandi, Quirimit-Espiritu.
Ganoon din ang mga paghahari nina Sumalde, Garcia, Rivas, Reynate, Bonzo, Sicam, Etrata at iba pa.
Sa mga matatanda, pagdating ng summer, mas matunog pa nga ang mga pangalan nina Sumalde at Co. kaysa sa Jaworski, Fernandez, Paner, Adornado, Arnaiz, Cezar at Co.
Pero maganda naman na panimula ang pagbabalik ng Tour of Luzon. Pasasaan ba, dadating din ang arangkada ng local riders. S’ya nawa!
- Latest

















