Bossing basag sa FiberXers

MANILA, Philippines — Binasag ng Converge ang Blackwater, 136-122, sa banggaan ng mga sibak nang koponan sa Season 50 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Kumamada si guard Juan Gerardo Gomez de Liaño ng 25 points sa pagsasara ng FiberXers sa kanilang kampanya sa 5-7.
Nagdagdag si Justine Baltazar ng 17 markers.
Bagsak ang Bossing sa 2-10 marka bagama’t humakot si seven-foot import Robert Upshaw III ng 45 points at 18 rebounds.
Kinuha ng Blackwater ang first period, 29-24, bago naagaw ng Converge ang 59-58 halftime lead.
Kumawala ang FiberXers sa third quarter sa pagtatala ng 89-80 kalamangan na naputol ng Bossing sa 90-94 sa likod nina Upshaw at Sedrick Barefield sa 9:09 minuto ng final canto.
Itinala ng Converge ang 114-101 abante sa 4:36 minuto, habang ang slam dunk ni Baltazar sa huling 1:55 minuto ang nagbaon sa Blackwater sa 124-107.
- Latest
















