CSB, Letran agawan sa 1-0 lead
MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng nagdedepensang De La Salle-College of Saint Benilde at Colegio de San Juan de Letran ang 1-0 lead sa NCAA Season 101 women’s volleyball championship.
Maghaharap ang Lady Blazers at Lady Knights ngayong alas-12 ng tanghali sa Game One ng kanilang best-of-three titular showdown sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Hangad ng St. Benilde ang kanilang pang-limang sunod na korona na inaasahang pipigilan ng Letran.
Winalis ng Lady Blazers ang Perpetual Lady Altas, 2-0, habang tinakasan ng Lady Knights ang San Beda Red Lady Spikers, 2-1, sa Game Three ng kanilang mga semifinals series.
Sa alas-3 ng hapon magkikita ang St. Benilde Blazing Spikers at Mapua Cardinals para sa series opener ng men’s finals.
- Latest
















