^

PM Sports

Vamos Alex!

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Sweet 18 lang si Alex Eala nang nag-debut sa 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.

Papasibol pa lang pero nanalo ng bronzes sa women’s singles at mixed doubles kasama si Francis Alcantara – unang Asiad glory ng Pilipinas pagkatapos ng bronze feat ni Cecil Mamiit noong 2006.

Papalapit sa kanyang peak si Alex o maaaring naroroon na – peak form – pagdating ng 2026 Nagoya-Aichi Asian Games. Inaasahan ang Asiad return ni Eala, at expected din ang mas makinang na medal kaysa kanyang Hangzhou bronzes.

Pero hindi walk in the park ang Asian Games.

Syempre, malamang na nandoon si Japanese star Naomi Osaka. Maghihintay din sina Chinese aces Zheng Qinwen at Zhu Lin – ang 2023 women’s singles finalists.

At malamang na sasalang din sina Elena Rybakina at Yulia Putintseva ng Kazakhstan,  Janice Tjen ng Indonesia, Mananchaya Sawangkaew at Lanjana Tararudee ng Thailand, Aoi Ito ng Japan at Kamilia Rakhimova at Polina Kudermetova ng Uzbekistan. Lahat ng mga pangalang ito ay nasa 2026 Wimbledon main draw.

Panalo kontra Japanese Kyoka Okamura, 0-6, 7-5, 6-0, ang nagselyo ng medal round entry ni Alex noong 2023. Pero hindi na siya nakausad pa dahil hindi nakuha ang three-setter laban kay Zheng, 6-1, 6-7 (5-7), 6-3, sa semifinals.

Pero bubot pa si Alex noon.

Batak na sa WTA Tour at nakasakay sa momentum ng milestone run si Alex sa kanyang pagbabalik sa Asian Games.

Flagbearer siya for Team Philippines sa 2025 Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand. Very much deserving na sa kanya pa rin ibigay ang honor sa paparating na Asiad.

Vamos Alex!

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with