Solomon goodbye na sa Osaka Marvelous
MANILA, Philippines — Goodbye na si Alas Pilipinas wing spikers Alyssa Solomon sa Osaka Marvelous sa pagtatapos ng Japan SV.League sa Abril.
Kasama si Solomon sa pitong players na hindi na magbabalik sa Marvelous.
Bukod kay Solomon, mamamaalam na rin sina Samantha Francis, Lise Van Hecke, Airina Ogawa, Fuka Inoue, Nana Sakakibara at Amayo Miyabe.
Nagpasalamat naman si Solomon sa magandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng Marvelous dahil nabigyan ito ng pagkakataon na makipagsabayan sa mga mahuhusay na players sa liga.
“As I approach the end of my journey with Osaka Marvelous, I would like to sincerely thank everyone for the support throughout this season” ani Solomon.
Malaki rin ang improvement ng dating National University standout na madadala nito sa kanyang susunod na team na lalaruan.
“This journey has been particularly meaningful to me as it marks my first experience playing professionally and a big step in my career,” dagdag nito.
Nagsimulang lumaro si Solomon sa Marvelous noong Setyembre.
Dati nang naglaro si Jaja Santiago sa Marvelous.
Wala pang linaw kung saang team lilipat si Solomon o kung babalik ito sa Pilipinas para maglaro sa Premier Volleyball League.
Isa sa mga posibilidad ang paglipat nito sa ibang Japanese clubs o ang maglaro sa iba pang commercial leagues sa ibang bansa.
- Latest



















