^

PM Sports

Grimes inilusot Lakers sa OT

Pang-masa
Grimes inilusot Lakers sa OT
Dumiskarte si Quentin Grimes ng Los Angeles Lakers para makawala kay Christian Anderson ng Charlotte Hornets.

LOS ANGELES — Bumalikwas ang Lakers mula sa isang 18-point deficit para resbakan ang Charlotte Hornets sa overtime, 118-114, at dumiretso sa kanilang pang-siyam na sunod na ratsada.

Nagbagsak si Quentin Grimes ng career high 47 points, tampok ang 10 three-point shots, para banderahan ang Los A­ngeles Lakers (13-2).

Si Grimes ang ikalawang player sa Lakers franchise history na nagsalpak ng 10 triples sa isang laro matapos si Hall of Famer Kobe Bryant na kumonekta ng 12 tres noong 2003.

Kumolekta si Luka Doncic ng 36 points, pitong assists at anim na rebounds, habang may 10 markers si Collin Sexton.

Pinamunuan ni Brandon Miller ang Charlotte (4-10) sa kanyang 28 points, habang may 23 at 19 markers sina Naz Reid at Coby White, ayon sa pagkakasunod.

Ibinangon ni Grimes ang Lakers mula sa 18-point deficit sa third period sa pagsisimula ng fourth quarter at inihatid ang kanyang koponan sa overtime matapos isalpak ang isang three-point shot.

Ipinasok ni Grimes ang dalawang free throws sa huling 11.5 segundo ng extension para sa 117-114 abante,  kasunod ang agaw ni Matisse Thybulle sa poses­yon ng Charlotte.

Ang free throw ni Thybulle ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Lakers na lalabanan ang Utah Jazz ngayon para sa kanilang ikatlong back-to-back games ngayong season.

Sa iba pang laro, tinalo ng Detroit Pistons ang San Antonio Spurs, 105-93; panalo ang New York Knicks sa Toronto Raptors, 111-102; at nilunod ng Utah Jazz ang Los Angeles Clippers, 132-107.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with