Durant sinandigan ng Rockets
HOUSTON — Isinalpak ni Kevin Durant ang isang go-ahead 18-footer sa huling 7.6 segundo para iligtas ang Rockets laban sa New Orleans Pelicans, 107-105, paakyat sa third place sa crowded Western Conference.
Tumapos si Durant na may 32 points, 6 rebounds at 5 assists para sa bounce back win ng Houston (41-25) na nagmula sa kabiguan sa Denver Nuggets.
Nagdagdag si Amen Thompson ng 23 points habang may 18 at 16 markers sina Reed Sheppard at Jabari Smith Jr., ayon sa pagkakasunod.
Humataw si Dejounte Murray ng 35 points sa panig ng Orleans (22-46).
Nakagawa si Murray ng turnover sa huling 13 segundo sa posesyon ng Pelicans kasunod ang basket ni Durant para itabla ang Rockets sa 105-105.
Isa pang turnover ang nagawa ni Zion Williamson para sa New Orleans na nagresulta sa pagkonekta ni Durant ng dalawang free throws na sumelyo sa panalo ng Houston.
Bumanat si Williamson ng 21 points para sa Pelicans.
Sa iba pang laro, panalo ang Cleveland Cavaliers sa Dallas Mavericks, 138-105; tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Golden State Warriors, 127-117; wagi ang Toronto Raptors sa Phoenix Suns, 122-115; at dinaig ng New York Knicks ang Indiana Pacers, 101-92.
- Latest
















