Rockets bagsak sa Heat

MIAMI — Humakot si center Bam Adebayo ng 24 points at 11 rebounds habang iniskor ni Pelle Larsson ang 10 sa kanyang 20 points sa fourth quarter sa 115-105 pagpapasabog ng Heat sa Houston Rockets.
Nagdagdag si Tyler Herro ng 18 markers at may 14 points si Jaime Jaquez Jr. para sa Miami (32-29) na nakahugot kay Kel’el Ware ng 13 points at 15 rebounds.
May 12 markers si Andrew Wiggins na nangailangan ng walong tahi para maisara ang sugat sa kanyang bibig.
Hindi naglaro si injured guard Norman Powell na may right groin strain.
Kumolekta si Kevin Durant ng 32 points, 8 assists at 6 rebounds sa panig ng Houston (37-22) habang may 20 at 14 points sina Amen Thompson at Reed Sheppard, ayon sa pagkakasunod.
Hindi sumalang si injured forward Jabari Smith Jr. na may sprained right ankle.
Kinuha ng Rockets ang 14-4 abante sa pagsisimula ng laro bago maghulog ang Heat ng 37-14 bomba para ilista ang 41-28 kalamangan sa second quarter.
Ang dalawang free throws ni Larsson sa huling 1:52 minuto ng final canto ang nagbigay sa Miami ng 113-103 bentahe.
Sa iba pang laro, wagi ang Charlotte Hornets sa Portland Trail Blazers, 109-93; panalo ang Toronto Raptors sa Washington Wizards, 134-125; at pinatumba ng New Orleans Pelicans ang Utah Jazz, 115-105.
- Latest















