^

PM Sports

Foxies nagdiwang sa Valentine’s Day

Russell Cadayona - Pang-masa
Foxies nagdiwang sa Valentine’s Day
inaluan ni Ces Molina ng Farm Fresh si Gale ries Tower setter Julia Coronel.
PVL photo

MANILA, Philippines — Ipinagdiwang ng Farm Fresh ang Valentine’s Day sa pamamagitan ng panalo.

Tinapos ng Foxies ang dalawang sunod na pagkatalo makaraang walisin ang Galeries Tower Highrisers, 25-14, 25-15, 25-12, sa 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ito ang unang panalo ng Farm Fresh matapos ang 0-2 panimula, habang nadiskaril ang hangad na back-to-back win ng Ga­leries Tower para sa parehong karta.

Pumalo si Trisha Tubu ng 17 points mula sa 13 attacks at apat na blocks para sa Foxies ni Japanese coach Koji Tsuzurabara.

“Unang-una, masaya kasi first win namin ito. Alam na ulit namin ang feeling ng nanalo,” wika ni Tubu. “Goals namin sa mga next games namin is unti-untiin.”

Nagdagdag sina Jolina dela Cruz at Ces Molina ng tig-siyam na marka habang may pito at limang puntos sina Riri Meneses at Mylene Paat, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor si Aiza Pontillas ng siyam na puntos para sa Highrisers na bigong maduplika ang naunang 25-20, 25-22, 23-25, 22-25, 15-10 pagtakas sa ZUS Coffee Thunderbelles.

Sa first set pa lamang ay ipinakita na ng Farm Fresh ang determinasyong makasampa sa win column sa paghataw ng 25-14 panalo na itinuloy nila sa second set, 25-15.

Hindi rin nakaporma ang Galeries Tower sa third set kung saan sila nabaon sa 6-16 mula sa off the block hit ni Tubu.

Sa dulo ng laro ay nagtuwang sina Dela Cruz at Paat para kumpletuhin ang straight sets win ng Foxies sa Highrisers.

Samantala, tinalo ng Nxled ang Cignal, 25-19, 25-22, 27-25, para solohin ang liderato.

May 3-0 recod ngayon ang Chameleons kumpara sa 3-1 marka ng Super Spikers.

FARM FRESH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with