^

PM Sports

Readytoriskitall nagpasikat sa pista

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi binigo ng Readytoriskitall ang mga liyamadista matapos nitong angkinin ang korona sa MMTCI Special benefit race na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Ginabayan ni jockey Pabs Cabalejo, ipinakita nito ang husay sa pagrenda ng kabayo nang ipanalo nito ang Readytoriskitall sa Tribute race para sa yumaong si PRHTAI Vice President Mr. Caloy Macaraig.

Nirehistro ng Readytoriskitall ang impresibong tiyempo na 1:40 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng horse owner na si Patrick Uy ang P360,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Bakbakan agad sa umpisa ng karera ang Manila De Bay at Daily Burn habang nasa tersero ang Nanananabooboo.

Subalit sa kalagitnaan ng karera kung saan ay nasa unahan pa rin ang Manila De Bay at Daily Burn ay biglang sumulpot ang Readytoriskitall kaya naman nakuha nito ang bandera papalapit ng far turn.

Pagsapit ng huling kurbada ay nasa apat na kabayo na ang lamang ng liyamadong Readytoriskitall kaya naman magaan nitong nakuha ang panalo.

Tinawid ng Readytoriskitall ang meta ng may anim na kabayong agwat sa pumangalawang Miss Ocala, pangatlo ang Manila De Bay habang pang-apat ang Imperatus.

METRO TURF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with