Ice, hirap ‘ibenta’ ang sarili!

MANILA, Philippines — Bumisita ang OPM icon na si Ice Seguerra sa The Philippine STAR office noong Miyerkules, Feb. 6, upang makipag-jamming sa mga empleyado ng kanyang mga hit song na Pagdating Ng Panahon, Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa at ‘Wag Na Lang Pala.
Kasalukuyang pinaghahandaan ni Ice ang kanyang Being Ice: Live! concert na gaganapin sa Feb. 27, 2026, New Frontier Theater. Pero aniya hirap siya pagdating sa pag-promote lalo na at nauuso na ngayon sa social media ang pagsasayaw ng mga personalidad gaya ng TikTok. Kaya laking pasasalamat niya sa kanyang misis na si Liza Diño na mas may alam daw pagdating sa marketing.
“Hirap na hirap akong mag-self-promote. Buti na lang ‘yung asawa ko kahit papaano, siya ‘yung mas savvy pagdating sa marketing sa akin. So like ‘Love, kailangan mo magkaroon ng TikTok.’ Sabi ko ‘putrages, magsasasayaw ako ng TikTok.’ Oh my God, like alam mo ‘yon hindi siya madali for me. Pero kailangan, ito ‘yung part… lahat tayo, ‘di ba, sa trabaho natin may mga kailangan tayong tanggapin. ‘Eto ‘yun para sa akin. Kasi I’d like to think even most of you know my story I still value my privacy so much. So dun ako nahihirapan sa pag-transition na ‘yon.”
Aminado rin ni Ice na nahirapan siya sa kanyang transition mula sa pagiging Aiza Seguerra hanggang sa pagiging Ice Seguerra – nag-out siya bilang trans man noong taong 2014.
“And number 2, ang pinaka-challenging for me, of course, si Aiza Seguerra kasi established na ‘yung name niya eh, ‘di ba. Mula fetus pa lang si Aiza hanggang bago siya magpalit ng pangalan, kilala niyo na siya, from actor to singer, everything. But here I am, at thirty plus, deciding to come up as a trans man. Hence, I have to change my name. Syempre wala akong ganu’ng for sake ‘oh my God kailangan ko nga rin palang palitan ‘yung pangalan ko sa mga ano,’ ‘di ba. So parang ngayon, it’s accepting the fact that ‘Okay I made this decision that I will live my life authentically but there are consequences.’ And isa dun ayun, kumbaga, if you notice si Ice Seguerra, siguro fewer na followers compared to Ice Seguerra,” dagdag niya.
Sa simula ay masakit para sa kanya ang pagbawas ng kanyang followers pero aniya, “It’s something that I can’t force my audience to… ‘di ba. While I can’t force you, I can make you listen to the new ones. Hoping na sana i-follow niyo rin ‘yung bago kong persona. Parang ganon siya. Parang it’s constantly changing my perception ‘cause I can easily just talk about it.”
Kung kinakailangan daw niyang ipakilala ulit ang kanyang sarili ay gagawin niya:“This is what I am now, and I hope you like what you see.”
Nang tanungin naman siya kung sino sa international artist ang mga pangarap niyang maka-collab, aniya “I’m really a big fan kasi of Sarah McLachlan, the Indigo Girls and Alanis Morissette. So I mean, if I’d be given a chance to do something with at least all of them, I’d be very happy.”
Habang sa local artists naman daw ay “But of course, here in the Philippines, I’d love to you know, maybe, I know magkalayo ‘yung genre namin, but I actually love to do something with SB19. I’m a big fan of the group. Also (I) would love to do collab song with Ben&Ben.”
Samantala, abangan ang pagkasa ni Ice sa Truth or Sing Challenge na mapapanood sa YouTube channel ng The Philippine STAR.
- Latest




















