SMB-Ginebra: anybody’s game
Gaya ng semifinal clash nila noong nakaraang Philippine Cup, tabla ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra pagkatapos ng Game Four ng best-of-seven series.
At gaya rin naman ng itinakbo ng kanilang kampanya last time, tangan ng TNT ang 3-1 upper hand papasok ng Game Five.
Nabaon na sa hukay ang Meralco Bolts at mas masalimuot pa ang kanilang kalagayan dahil may tama si Chris Newsome na MCL sprain.
Mabigat na palaisipan kina Luigi Trillo at mga kasama kung paano makakabangon at mapipigilan ang fourth straight finals para sa Tropang 5G.
Sa kabilang semis side, gaya ng inasahan, pitpitan na naman sa coaching battle sina Leo Austria at Tim Cone.
Last time, nauwi sa Game Seven decider ang SMB-Ginebra showdown.
Dikit ang do-or-die match hanggang sa tumikada ang Beermen ng 34-20 closing run para masungkit ang 100-93 win.
Mukhang matatapos rin sa sudden-death ang kanilang bakbakan ngayon.
At kasama sa excitement ang iba’t-ibang players na nagpapasiklab sa bawat laro.
Bida si RJ Abarrientos (with 23 points) sa kanilang 99-90 win nung Game 1, timon si June Mar Fajardo (21 points at 23 rebounds) sa kanilang 93-84 victory nu’ng Game 2, lutang si Don Trollano (33 points) nu’ng Game 3, 91-85, at kuminang si Scottie Thompson (35 points, 11 rebounds, 11 assists) nu’ng Game 4, 105-91.
Excitingly unpredictable. Anybody’s game.
Ito ang ilang description sa serye.
- Latest
















