Heat pinalamig ng Pistons
MIAMI — Bumanat si John Collins ng 23 points, habang may 19 markers si Paul Reed mula sa bench para gabayan ang Detroit Pistons sa 128-111 pagpapalamig sa Heat.
Nagdagdag si Duncan Robinson ng 17 points at may 16 markers si Cade Cunningham para sa unang 2-0 record ng Detroit sapul noong 2018-19 season.
Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 36 points at 12 rebounds para sa 0-2 marka ng Miami kasunod ang 18 at 11 markers nina Davion Mitchell at Bobby Portis Jr., ayon sa pagkakasunod.
Tumapos si Bam Adebayo na may apat na puntos at nagtala si Klay Thompson ng anim na marka mula sa 2-for-11 field goal shooting.
Ito ang pang-walong pagkakataon na sinimulan ng Heat ang season sa 0-2 sa kanilang 39-year history.
Binuksan ng Pistons ang first period sa isang 17-2 atake patungo sa paglilista ng 65-53 halftime lead. Mula rito ay hindi na pinadikit ng Detroit ang Miami.
Sa iba pang laro, tinakasan ng Boston Celtics ang nagdedepensang New York Knicks, 107-103; panalo ang Chicago Bulls sa Milwaukee Bucks, 132-125; dinagit ng Atlanta Hawks ang Charlotte Hornets, 128-81; tinalo ng Dallas Mavericks ang Indiana Pacers, 121-105; wagi ang Minnesota Timberwolves sa Orlando Magic, 115-93; at dinaig ng Toronto Raptors ang Washington Wizards, 112-102.
- Latest

















