^

PM Sports

Tamaraws binawian ng Blue Eagles

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Winakasan ng Ateneo ang three-game losing skid matapos nilang dagitin ang 75-72 panalo kontra Far Eastern University kahapon sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa Blue Eagle gym.

Dahil sa panalo, naba­wian ng Blue Eagles ang Tamaraws sa 70-93 pagkatalo nila sa first round ng eliminations.

Tumikada si Kiefer Alas ng 21 points, apat na rebounds at dalawang steals para sa Ateneo na nirehistro ang 4-4 karta habang bumakas sina Jared Bahay at Nigerian power forward Sultan Baruwa ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod. 

“It’s a very, very big win swing for us because I know we’re just one game behind sa mga nasa upper bracket. But more than the win, parang hindi na kami ulit marunong manalo nung last three games. ‘Yung last practices namin, I told them it’s not about the X’s and O’s, it’s all about the willingness to sacrifice,” pahayag ni Ateneo head coach Louie Alas.

Malakas na sinimulan ng Blue Eagles ang kanilang laro sa unang dalawang periods kaya naman nahawakan agad nila ang 16-point lead, 46-30 sa halftime na naging tulay ng panalo ng Morayta based-squad.

Samantala, tinambakan ng National University ang Adamson University, 79-43, upang pahabain ang kanilang winning streak sa apat sa huling laro.

Dahil sa panalo nire­histro ng Bulldogs ang 6-2 karta para saluhan sa tuktok ng team standings ang University of the Phi­lippines Fighting Maroons.

Pinamunuan ni PJ Palacielo ang opensa para sa Sampaloc-based squad sa nilistang 16 points.

 

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with