^

PM Sports

Ace of Diamonds pinabilib ang mananaya

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Pinabilib ng Ace Of D­iamonds ang kanyang mga tagahanga matapos ang wire-to-wire win nito sa Cool Summer Farm Open Imported Stakes Race Group 3 na nilarga sa pista ng Philippine J­ockey Club sa Padre Garcia, Batangas, noong Linggo ng hapon.

Mabilis na lumabas ng aparato ang Ace Of Diamonds para hawakan ang bandera habang kinapitan agad ito ng Lucency at kakampi ng winning horse na Hole In One.

Hindi natinag sa unahan ang Ace Of Diamonds na ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, umu­ngos ito ng isang kabayong agwat sa humahabol na Lecency.

Papalapit ng far turn ay nagkumpulan sa unahan ang Ace Of Diamonds, Lecency at rumemateng Birchton.

Muling umunat ang Ace Of Diamonds para makalamang ng dalawang kabayo sa pumapangalawa na Birchton.

Naging mainit ang bakbakan sa unahan nang unti-unting kinakapitan ng Birchton ang Ace Of Diamonds papasok ng hu-ling kurbada kaya nagka-panabayan ang dalawa sa rektahan.

Naging matatag ang Ace Of Diamonds kaya naman tinawid nito ang meta ng leeg ang lamang sa pumangalawang Birchton, pangatlo ang Street Swagg habang pumang-apat ang Romantic Story.

Nirehistro ng Ace Of Diamonds ang tiyempong 2:02 minuto sa 2,000 meter race sapat upang ibulsa ng winning horse owner ang P600,000 premyo.

DIAMONDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with