^

PM Sports

Eala raratsada sa Macau Masters

Chris Co - Pang-masa

CEBU, Philippines — Bago matapos ang taon, magpapasiklab muna si Pinay netter Alex Eala sa Macau Tennis Masters na idaraos sa Disyembre 27 at 28 sa Macau, China.

Inihayag ni Eala ang magandang balita sa kanyang social media account kung saan sasalang ito sa Macau Masters kasama ang iba pang mahuhusay na tennis players.

Isang exhibition format ang ipatutupad sa naturang event na pamumunuan nina tennis legends dating Grand Slam champion Li Na at Conchita Martinez.

Maliban kay Eala, masisilayan din sa aksiyon sa naturang event sina world No. 9 Mirra Andreeva, at sina ATP players Shang Juncheng, Jack Draper at Jakub Menšík.

Lalarga sa unang araw ang dalawang men's singles games at isang mixed doubles habang sa ikalawang araw naman masisilayan ang isang women's singles, dalawang men's singles at ang awarding ceremony.

Nasa No. 50 si Eala sa pagtatapos ng WTA season. Ito ang bagong career-high ng Pinay netter sa world rankings.

“My season comes to an end. I have no words to describe what 2025 has brought me. My dreams have truly come alive,” ani Eala. 

Inaasahang sasabak muna si Eala sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Disyembre sa Bangkok, Thailand bago tumulak sa Macau Masters.

Ang Macau Masters ay magsisilbing warmup ni Eala para sa 2026 Australian Open na idaraos naman sa Enero sa Melbourne, Australia.

ATP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with