UST tinapos ang kamalasan sa La Salle

MANILA, Philippines — Nambarako sina Collins Akowe at Nic Cabañero upang akayin ang host school University of Sto. Tomas sa 93-84 panalo kontra last year’s runner-up De La Salle University sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Tumikada si Cabañero ng 27 points habang 20 ang binakas ni Akowe para sa Growling Tigers na sinakmal ang 2-0 karta at saluhan sa top spot ng team standings ang Ateneo de Manila University at National University na tinalo an, 84-68 sa unang laro.
Pinamunuan ni Akowe ang atake ng Growling Tigers, nakasama niya sina Forthsky Padrigao at Cabañero para harurutin sa stretch ang Green Archers at hawakan ang 11 puntos na bentahe, 93-82 may 1:21 minuto na lang ang nalalabi.
Hindi na nakahabol ang Taft-based squad at nalasap nila ang unang kabiguan sa dalawang laro.
Lamang ng apat na puntos ang Green Archers, 49-45 sa unang dalawang period, lomobo pa ito sa 11 puntos, 70-59 may tatlong minuto pa sa third canto.
Pero biglang uminit ang opensa ng Growling Tigers at naibaba nila sa dalawang puntos ang hinahabol, 72-74 papasok ng fourth quarter.
Biglang nagbago ang ihip ng hangin sa payoff period, pumabor ang bola sa UST kaya naman nasilo nila ang mahirap na panalo at tuldukan ang 17-game losing streak laban sa DLSU.
Sa kabilang banda, sinandalan ng Bulldogs sina Omar John, Jake Figueroa at Jolo Manansala upang ilista ang 2-0 baraha.
Maagang ipinaramdam ng NU ang kanilang bangis nang lapain nila ang 14-point lead, 44-30 sa halftime, bago inilayo pa ang iskor sa second half para ipalsap sa Tamaraws ang dalawang sunod na sadsad.
- Latest















