World Challenge target gawing yearly ni Obiena
MANILA, Philippines — Target ni two-time Olympian EJ Obiena na gawin nang taun-taon ang World Pole Vault Challenge na matagumpay na ginanap noong Linggo sa Makati.
Sa kabila ng pabugsu-bugsong ulan na sinabayan pa ng pagdaraos ng protesta ng ilang mamamayan laban sa katiwalian at korap-syon sa gobyerno, hindi nilangaw ang unang edisyon ng World Challenge.
Dumagsa ang mga Pinoy fans para saksihan ang bakbakan ng mga world-class pole vaulters na dumating sa bansa.
Kaya naman masa-yang-masaya si Obiena sa kinalabasan ng torneo.
Nagpasalamat ito sa mainit na pagtanggap ng mga kababayan nito na patuloy ang pagsuporta sa kanyang bawat laban.
Dahil dito, nais ni Obiena na magkaroon pa ito ng Part 2 o Part 3 at maging annual event na.
Hangad din ni Obiena na magkaroon na rin ng women’s edition ang World Challenge upang masilayan din ng mga Pinoy ang mahuhusay na atleta sa women’s division.
“Hopefully, we’ll get a part 2, part 3, and we have this every year. Now we have these athletes to say how good the Philippines is so hopefully next time we’ll bring much more, maybe the women as well,” ani Obiena.
Sa pagtatapos ng torneo, itinanghal na kampeon si Obiena matapos magtala ng 5.80m sa kanyang se-cond attempt.
Sinubukan pa ni Obie-na na makuha ang 5.90m na marka ngunit bigo ito sa kanyang tatlong pagtatangka.
Tinalo ni Obiena sa gold medal si Thibaut Collet ng France na nagtala ng parehong 5.80m. Nakuha ni Obiena ang ginto via countback.
- Latest



















