Ika-3 gold inangkin ni Brown sa PH Open

CAPAS,Tarlac, Philippines — Inangkin ni Fil-Am Robyn Brown ang kanyang ikatlong gold medal matapos dominahin ang women’s 100-meter run sa ICSTI Philippine Athletics Championships kahapon dito sa New Clark City Athletic Stadium.
Nagsumite si Brown ng bilis na 13.85 segundo pata unahan sina Arisa Weruwanark ng Thailand (14.15) at Lee Yie Teng ng Malaysia (14.48).
Wagi rin si Brown ng ginto kasama sina Kharis Lark Rey Pantonial, Bernalyn Bejoy at Hussein Lorana sa 4x400 mixed relay team (3:29.85)
Nauna nang nagreyna si Brown sa women’s 400-meter hurdles.
Samantala, naglista naman si Paris Olympian John Cabang Tolentino ng tiyempong 13.98 segundo para itakbo ang gold medal sa men’s 110-meter hurdles.
- Latest




















