^

PM Sports

Bolts nasunog sa Fuel Masters

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Bolts nasunog sa Fuel Masters
Lumipad si Phoenix forward Kai Ballungay para sa kanyang dunk kontra sa Meralco.
PBA Image

MANILA, Philippines — Dinagit ng Phoenix ang reigning champion Meralco, 109-97, para sa unang panalo nito sa 2025 PBA Philippine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Taob ang Fuel Masters sa unang 2 salang nito pero malaking isda ang nahuli sa katahuhan ng Bolts para sa 1-2 kartada sa likod ng maalab na ratsada sa first quarter.

Nagliyab sa 31-13 si­mula ang Fuel Masters at hindi na lumingon pa hanggang sa lumamang ng 26 puntos tungo sa kumbinsidong tagumpay.

Tumabo ng 22 puntos, 2 rebounds at 6 assists si Tyler Tio upang trangkuhan ang opensa ng mga bataan ni coach Jamike Jarin.

Maugong din ang na­ging pagbabalik ni Jason Perkins nang humakot ng 19 puntos at 5 rebounds habang may 20 at 11 puntos sina Ricci Rivero at Kai Ballungay, ayon sa pagkakasunod.

Nag-ambag ng 9 puntos si Ken Tuffin habang may tig-5 puntos din sina Kent Salado at RJ Jazul para sa Fuel Masters.

Matatandaang yumukod ang Phoenix sa Terrafirma, 95-87, at Converge, 93-82, subalit hindi nagpatinag kahit pa kontra sa gigil na reigning champions.

Limang players ang umiskor ng double digits sa pangunguna ng 18 puntos ni Chris Newsome pero kapos pa rin para sa Bolts na sadsad sa ikalawang sunod na kabiguan matapos ang mainit na 2-0 kartada.

Maging ang 17 puntos ni Bong Quinto, tig-12 puntos nina Aaron Black at Raymar Jose pati na ang 11 puntos at 10 puntos nina CJ Cansino at Raymond Almazan ay kinulang para sa mga tropa ni coach Luigi Trillo.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->