^

PM Sports

Creamline, Petro Gazz agawan sa 1-0 lead

Russell Cadayona - Pang-masa
Creamline, Petro Gazz agawan sa 1-0 lead
Sina Michele Gumabao ng Creamline at Brooke Van Sickle ng Petro Gazz.

MANILA, Philippines — Tatlong beses tinalo ng Creamline ang Petro Gazz sa apat nilang pagtutuos sa Premier Volleyball League (PVL) champion­ship series.

“Hindi kami basta-basta magpapatalo. Iyon ‘yung number one sa amin, na ma-defend ‘yung crown. So tatrabahuhin naming mabuti,” ani Cool Smashers coach Sherwin Meneses sa kanilang finals rematch ng Gazz Angels.

Maghaharap ang Creamline at Petro Gazz ngayong alas-6:30 ng gabi sa Game One ng kanilang 2024-25 PVL All-Filipino Conference best-of-three titular showdown sa Smart Araneta Coliseum.

Sa alas-4 ng hapon ay magkikita ang Choco Mucho at Akari sa sarili nilang serye para sa third place trophy.

Hangad ng Cool Sma­shers na makumpleto ang ‘five-peat’ para sa kabuuang ika-11 korona.

Ang ikatlong PVL title naman ang target ng Gazz Angels matapos

magreyna sa PVL Reinforced Confe­rence noong 2019 at 2022.

“After a very long time of being in the Finals, si­yempre maganda rin ‘yung iba-iba ang challenges na naibibigay behind the scenes and dito on the court,” sabi ni Creamline team captain Alyssa Valdez na muling makakatuwang sina Tots Carlos, Bernadeth Pons, Jema Galanza, Bea De Leon at Michele Gumabao.

Isasagupa ng Petro Gazz sina Fil-Am Brooke Van Sickle, Myla Pablo, Jonah Sabete, Fil-Am MJ Phillips, Aiza Maizo-Pontillas at setter Chie Saet.

“Sabi nga ni coach Koji (Tsuzurabara), hindi lang 100 percent. 200 percent talaga,” sabi ni Pablo. “Nasa Finals na kami, bakit bibitawan pa namin.”

Kinumpleto ng Gazz Angels ang 3-0 sweep sa single-round robin semifinals matapos talunin ang Cool Smashers, Flying Titans at Chargers para sumampa sa ikaanim na PVL finals stint.

Huling naglaro ang Petro Gazz sa PVL Finals noong 2023 1st All-Filipino Conference kung saan sila dinaig ng Creamline sa deciding Game Three.

“Kung makita natin back in the Finals, I think one of the things na magiging edge ng bawat isa sa amin — since we’re all veteran teams — would be kung sino ang mas healthy, kung sino ang tatagal at kung sino ang mas fit all throughout the games,” ani Valdez. 

Bukod sa opensa ay magiging sandata rin ng Cool Smashers sa depensa sina middle blocker Pangs Panaga at libero Kayla Atienza at Denden Lazaro-Revilla kontra sa firepower ng Gazz Angels.

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->