^

PM Sports

Alyssa kakasa sa AVC Champions League

Chris Co - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Paghahandaan ni Creamline team captain Alyssa Valdez ang pagsabak ng kanilang tropa sa AVC Women’s Cham­pions League na papalo sa Abril 20 hanggang 27 sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sabik na si Valdez na muling makapagsuot ng jersey ng Pilipinas sa international tournament.

Kaya naman desidido itong magpakundisyon para makapagbigay ng magandang ratsada ang kanilang tropa sa AVC tournament.

Huling nakapaglaro sa national team si Valdez sa harap ng Pinoy fans noong pang 2019 Southeast Asian Games nang ganapin ito sa parehong venue.

“I think the last time I played for the national team in front of our home crowd was back in the 2019 SEA Games,” ani Valdez.

Naging bahagi naman ito ng national team na sumabak sa 2023 SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia.

Matagal-tagal na rin ito kaya’t sabik na si Valdez na muling dalhin ang bandila ng Pilipinas sa international stage.

Nakasentro pa ang a­tensiyon ng Cool Sma­shers sa PVL All-Filipino Conference kung saan nakapasok na ang kanilang tropa sa quarterfinals.

Ngunit unti-unti nang pinaplano ng coaching staff ng Creamline ang magiging game plan nito para sa AVC Champions League dahil mga bigating teams ang makakasagupa nito.

 Maaring magpasok ng tatlong imports ang bawat team sa AVC Champions League.

Target ng Cool Sma­shers na makuha si outside hitter Erica Staunton na sanay na sanay na sa sistema ng kaniyang team.

ALYSSA VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with