Sampung magiting
Mula umpisa, inasahan na may opinyon na lalabas kaiba sa naging pagpili ng PBA Selection Committee sa 10 players na kukumpleto ng 50 PBA greatest players of all time.
Pero generally speaking, at least sa aking pag-review ng mga komento sa social media, well accepted ang mga napili na kinabibilangan nina Nelson Asaytono, Jeffrey Cariaso, June Mar Fajardo, Bong Hawkins, Abe King, Danny Seigle, Scottie Thompson, Arnie Tuadles, Manny Victorino at Yoyoy Villamin.
Kung meron mang issue, eh ang maagang pagkalulok daw ni Thompson samantalang active player pa siya.
Ang malakas na komento, long overdue ang karangalang ibinigay kay Asaytono, King at Tuadles.
Malakas din ang papuri sa naging trabaho ng Selection Committee na kinabibilangan – ehem – ng sportswriter na ito.
Inside report na maibabahagi ko ay ang maayos at magaling na pagpapatakbo ng mga deliberasyon ni committee chairman Sonny Barrios.
Malaki ang bigat ng wisdom ng mga PBA Hall of Famers na sina Dante Silverio, Ramon Fernandez, Atoy Co at Allan Caidic. At syempre may ambag ang mga media representatives na sina Quinito Henson, Andy Jao, Al Mendoza at Ding Marcelo.
Bago nagsimula ang lahat, biro ni PBA commissioner Willie Marcial: “Ayusin n’yo ang pagpili. Pag nagkamali kayo, ako ang babanatan ng mga tao.”
Ani naman ni Chairman Barrios: “Ilatag natin ang selection na kaya natin tayuan sa Plaza Miranda.”
Marami ang deserving masama sa selection, pero limited sa sampu ang pipiliin. Sa huli, piniga ng mga miyembro ng Selection Committee ang tingin ng bawat isa eh most deserving.
- Latest



















