^

PM Sports

Pangarap ka na lang ba?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Jackpot kay Kadeem Jack.

At siyempre, nariyan din ang magandang trabaho ng mga locals sa pangunguna nina Arvin Tolentino at Joshua Munzon.

Sa kanilang pagtutulungan, gulantang ang lahat na NorthPort ang bandera sa karera at least sa pagtatapos ng PBA Commissioner’s Cup elims action sa taong 2024.

Tangan ng mga Batang Pier ang 6-1 record sa itaas ng team standings. Nakabuntot ang Rain or Shine (4-1) na sinusundan ng Hong Kong Eastern (6-2), Converge (6-2), Barangay Ginebra (4-2), Meralco (3-2), San Mi­guel Beer (3-3) at TNT Tropang Giga (2-2).

Kailangang maghabol ng NLEX (3-4), Magnolia (2-5), Blackwater (1-5), Phoenix (1-5) at Terrafirma sa resumption ng mga games sa Jan. 5.

Ang katanungan eh, may katotohanan ba ang lakas na ipinapakita nina Tolentino at ng kanyang teammates.

“Hindi pa nakikita ang tunay na lakas niyan, dahil pa­parating pa lang ‘yung mga big games nila,” ani Pa­reng Kandong Pabaya, ang sanggang dikit ng marami sa Sabino Alley sa Maysan, Valenzuela.

Tunay naman na haharapin pa lang ng NorthPort ang mga powerhouse teams.

Unang assignment nila ang Barangay Ginebra sa Jan. 8. At paparating ang laban kontra Meralco, Rain or Shine, San Miguel Beer at Blackwater.

“Makakalagpas sa elims iyan. Ang duda ko kung makakarating ng malayo sa playoffs,” pasok ni Pareng Odie Chua.

Simula nang pumasok sa liga noong 2012, nananatiling pangarap sa NorthPort ang makaabot sa finals.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with