La Salle, NU bakbakan sa game 1
MANILA, Philippines — Ibabangga ng defending champions National University ang trio nina reigning MVP Alyssa Solomon, Bella Belen at Vange Alinsug pagharap nila sa tigasing De La Salle University sa Game 1 ng 2024 Shakey’s Super League (SSL) collegiate pre-season championship best-of-three finals na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum ngayong araw.
Magsisimula ang paluan ng bola sa alas-6:30 ng gabi kung saan pakay ng three-peat seeking Lady Bulldogs na mabawian ang Lady Archers na siyang tumalo sa second round at tumuldok sa kanilang 28-game winning streak sapul noong 2022.
Nais ng NU na kumpletuhin ang season sweep matapos kuminang sa National Invitationals.
Nilapa ng Lady Bulldogs ang Far Eastern University, 25-16, 19-25, 25-17, 25-22, sa knockout semifinal sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea, Grab Philippines, at Summit Water.
“Yung finals kasi siyempre iba na ‘yung atmosphere and level ng game so I think match naman ‘yung game,” ani ng bagong head coach ng NU na si Sherwin Meneses.
Huhugot din ng puwersa ang Lady Bulldogs kina Alexa Mata, Erin Pangilinan, Arah Panique, Sheena Toring at setter Lams Lamina para makaganti ng panalo sa event na katuwang ang Smart Sports, PLDT Fibr, Mikasa, Asics, Rebel Sports, Eurotel, Victory Liner, Commission on Higher Education (CHED), Philippine Sports Commission (PSC), at SM Tickets bilang technical partners.
Ipaparada naman ng Lady Archers sina Angel Canino, 2023 National Invitationals MVP Shevana Laput, Amie Provido at Jyne Soreno para ipantapat sa mga pambato ng Lady Bulldogs.
- Latest