^

PM Sports

Pacquiao kasado na sa exhibition match

Chris Co - Pang-masa
Pacquiao kasado na sa exhibition match
Isang Japanese fan ang nagpapirma ng authograph kay Manny Pacquiao sa airport.
Wendell Alinea/MP promotions

MANILA, Philippines — Handa na si People’s Champion Manny Pacquiao para sa exhibition match nito laban sa Japanese fighter sa Hulyo 28.

Sasagupain ng eight-division world champion si Rukiya Anpo na nagsilbi lamang na replacement matapos mag-withdraw sa laban ang una sanang makakalaban nito na si mixed martial artist Chihiro Suzuki.

Nagpasya ang kampo ni Suzuki na magwithdraw matapos itong magtamo ng injury sa kamay habang nasa kasagsagan ito ng kanyang paghahanda para sa laban.

Kaya naman naging kapalit ang 28-anyos na si Anpo na isa ring mixed martial artist.

May taas itong 5-foot-11 at dating K-1 super-lightweight champion.

Pareho pa rin ang format ng laban.

Tatlong rounds lamang ito na may tatlong minuto kada round.

Kaya naman inaasa­hang magiging pukpukan agad ang laban sa oras na tumunog ang bell.

Nagpost si Pacquiao ng mensahe sa kanyang mga social media account sa pagdating nito sa Japan.

“Konnichiwa,” ani Pacquiao.

Kasama nito ang kanyang asawa na si Jinkee at anak na bunso.

Sinalubong si Pacquiao ng ilang fans sa airport kung saan kita ang pag-entertain nito sa ilang fans na humingi ng authograph at nais magpakuha ng picture kasama ang Pinoy champ.

Ito ang ikalawang exhibition match ni Pacquiao.

Una itong sumalang noong 2022 nang makaharap nito si South Korean DK Yoo na isang YouTuber.

Nanaig si Pacquiao sa naturang laban via unanimous decision.

Una sanang makakalaban ni Pacquiao si Thai muay-thai champion Buakaw Banchamek sa isang six-round match noong Abril sa Bangkok, Thailand. Subalit hindi rin ito natuloy.

Wala pang linaw kung babalik na si Pacquiao sa professional boxing.

Huli itong sumalang sa pro noong Agosto taong 2021 kung saan natalo ito kay Cuban Yordenis Ugas via unanimous decision.

 

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with