^

PM Sports

SGA winalis ang korona sa Jones Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naitakas ng Strong Group-Pilipinas ang pambihirang 83-79 panalo kontra sa host na Chinese Taipei A upang makumpleto ang championship sweep sa 43rd William Jones Cup kamakalawa ng gabi sa Taipei, Taiwan.

Sumandal ang Strong Group sa comeback feat sa huling minuto ng regulation bago nakumpleto ang misyon sa overtime upang maipanalo ang ika-7 Jones Cup title ng Pilipinas.

Noong 2019 pa huling nag-kampeon sa Jones Cup ang Pinas tampok ang Mighty Sports, na minanduhan din ni Charles Tiu bago ang pagbabalik sa trono sa kanyang pamumuno uli.

Subalit hindi ito naging madali para sa Philippine representatives na naipaghiganti rin ang ika-7 puwes­tong pagtatapos ng Rain or Shine bilang kinatawan ng bansa noong nakaraang taon.

Nalimitahan si Chris McCullough sa12 puntos sa maalat na 4-of-16 shooting.

Subalit sumuporta ang isa pang American import na si Tajuan Agee na kuma­mada ng 21 puntos, 7 rebounds, 3 assists, 2 steals bilang pambawi niya rin matapos hindi makalaro dahil sa sakit sa nakalipas na dalawang laro nila.

vuukle comment

STRONG GROUP-PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with