^

PM Sports

Fortissimo, Istulen Ola sasalang sa Grand Copa De Manila Cup

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpasiklab ng magkakamping Fortissimo at Istulen Ola sa paglarga ng 2024 PHILRACOM “Gran Copa De Manila Cup” sa darating na Linggo sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Bukod sa Istulen Ola na rerendahan ni reig­ning Philippine Sportswri­ters Association, (PSA) - J­ockey of the Year awardee John Alvin Guce at Fortissimo na gagabayan ni class A rider Kelvin Abobo, anim pa na mahuhusay na kabayo ang naghayag ng pagsali sa distansyang 1,600 meter race.

May nakalaan na P1M guaranteed prize na ikaka­lat sa unang anim na kaba­yong tatawid sa meta, ang ibang nagsaad ng paglahok ay ang Easy Does It, Jaguar, Mimbalot Falls, Moderne Cong, Secretary at Wild Is The Wind.

Kukubrahin ng mana­nalong kabayo ang P600, 000 habang P200,000 naman sa segunda.

Posibleng magbigay ng magandang laban kina Istulen Ola at Fortissimo ay si 2023 two legs Triple Crown winner Jaguar na gagabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.

Paniguradong bakba­kan at magandang karera ang masasaksihan ng mga karerista kaya asahang dadagsa ang mga ito sa ka­rerahan at sa mga OTBs.

vuukle comment

PHILRACOM AMBASSADOR EDUARDO COJUANGCO JR. CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with