^

PM Sports

Win No. 5 target ng UP vs Adamson

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa sa mainit na teams ngayong Season 87 UAAP men’s basketball tournament ay ang Univer­sity of the Philippines.

Ito ay dahil sila na lang ang walang dungis ang kar­ta sa team standings.

Nasikwat ng Fighting Ma­roons ang pang-apat na panalo nang kalusin nila ang Far Eastern Univer­sity Tamaraws, 69-58, no­ong Setyembre 22.

Malaki ang ambag ni­na Francis Lopez, Quentin Millora-Brown, Janjan Felicilda at JD Cagula­ngan sa mga panalo ng UP kung saan sa kanilang huling laro ay nagsanib pu­wersa sila upang gilitan ang Tamaraws.

Tiyak na sina Cagula­ngan, Lopez, Felicilda at Millora-Brown ang ka­kapitan pa rin ng Fighting Maroons sa pagharap nila sa Adamson Soaring Falcons ngayong alas-4:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“One thing that coach Gold (Monteverde) always reminds the players is ‘yung consistency in a game that should apply to fourth quarters,” ani Figh­ting Maroons assistant coach Christian Luanzon.

Solo sa tuktok ang UP bitbit ang 4-0 record ka­sunod ang defending champions De La Salle Uni­versity (4-1), Univers­ity of Sto. Tomas (3-1) at Adamson (3-2).

Samantala, patuloy na hinahanap ng Tamaraws ang unang panalo kaya inaasahang ibubuhos nila ang kanilang lakas upang makasama sila sa win column.

Wala pang panalo ang FEU sa limang laro kaya asahang itotodo nila ang lahat para makuha ang mailap na tagumpay.

Maghaharap naman sa alas-6:30 ng gabi ang National University Bulldogs at University of the East Warriors.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with