^

PM Sports

Amit sasargo sa WPA Women’s 10-Ball

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ni Pinay cue master Rubilen Amit na ma­ging double world champion sa taong ito kung saan sa­sarguhin nito ang korona sa prestihiyosong WPA Wo­men’s 10-Ball Championships.

Gaganapin ang World 10-Ball sa Nobyembre 11 hanggang 16 sa San Juan, Puerto Rico kung saan sa­sabak ang 48 matitikas na cue masters mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Paglalabanan ang $175,000 papremyo.

Hangad ni Amit na makuha ang ikalawang world title sa 2024 kung saan nasungkit nito ang korona sa WPA Women’s World 9-Ball Championship na ginanap sa New Zealand kamakailan.

Kaya naman handa si Amit na ibuhos ang lahat upang makuha ang kampeonato.

Sanay na si Amit sa 10-ball event dahil dalawang beses na itong naging world champion.

Napasakamay ni Amit ang korona sa WPA Wo­men’s World 10-Ball Championship noong 2009 nang talunin nito sa finals si Liu Hsin-Mei ng Chinese-Taipei sa finals at noong 2013 WPA Women’s World 10-Ball Championship kung saan pinataob naman nito si Kelly Fisher ng Great Britain.

Sa kabuuan, may tatlong korona na ang Pilipinas sa WPA Women’s World 10-Ball Championship.

Maliban sa dalawang titulo ni Amit, nasikwat ni Chezka Centeno ang kampeonato noong nakaraang taon matapos patumbahin si Han Yu ng China sa finals.

Sariwa pa si Amit sa third-place finish sa 2024 WPA 9-Ball China Open sa Shanghai.

vuukle comment

RUBILEN AMIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with