^

PM Sports

Srinagar pinasiklaban ang mga karerista

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinangaan ng mga karerista ang ipinakitang tikas ng Srinagar matapos manalo sa Philracom Rating Based Handicapping System noong Sabado sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Kalmadong sinakyan ni jockey John Alysson Pabilic sa largahan ang Srinagar, ipinuwesto lang ito sa pang-apat upang panoorin muna ang nagbabanatan sa unahan na Chef Kat at Enno Teresa Chair, habang nasa tersero naman ang Binibini.

Pagsapit ng far turn ay kumapit na ang Srinagar at Binibini sa Chef Kat at Enno Teresa Chair kaya naman apat na ang nagbabakbakan sa unahan.

Banatan pa rin sa unahan ang apat na nabanggit na kalahok pagsungaw ng rektahan pero sa huling 100 metro ng karera ay umungos na ang Srinagar at ta­wirin ang meta na may apat na kabayo ang agwat sa pumangalawang Chef Kat.

Inilista ng Srinagar ang tiyempong 1:29.2 minuto sa 1,400 meter race para hamigin ng winning horse owner na si Ramon Bagatsing Jr. ang P11,000 added prize.

Nakasikwat pa ng P2,000 ang Srinagar, habang may P2,000 at P1,000 ang second at third placers na Chef Kat at Enno Teresa Chair, ayon sa pagkakasunod.

Kumubra din ang breeder ng nanalong kabayo ng P4,500, habang may P1,000 at P500 ang second at third placers, ayon sa pagkakasunod,sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Samantala, may pitong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Sabado at kahapon.

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with