^

PM Sports

La Luna humagibis sa Maiden Stakes

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinakain ng putik ng La Luna ang mga nakatunggali sa naganap na 2024 PCSO 2-Year-Old Maiden Stakes Race na inilarga noong Linggo ng hapon sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Mabilis na lumabas ng aparato ang La Luna upang hawakan agad ang bandera sa kaagahan ng laban.

Lamang ng isang kabayo ang La Luna sa Copperfield sa kalagitnaan ng karera, nasa terserong malapit ang Midnight Bell at pang-apat ang Sunset Beauty.

Paparating ng far turn ay nasa dalawang kabayo na ang bentahe ng La Luna at umalagwa pa ito sa huling kurbada ng four lengths.

Kaya naman halos makuha na ang panalo ng La Lu­na sa rektahan pa lang, tinawid nito ang meta ng may limang kabayo ang agwat sa pumangalawang Mid­night Bell, tersero ang Sunset Beauty at pang-apat ang Copperfield.

Ginabayan ni dating Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema ang La Luna na nagrehistro ng 1:13. 6 minuto sa 1,200 meter race.

Kinubra ng winning horse owner na si Benjamin Abalos Jr. ang premyong P900,000, habang napunta sa second placer na Midnight Bell ang P300,000 at P150,000 at P75,000 para sa third at fourth na Sunset Beauty at Copperfield, ayon sa pagkakasunod.

Nakapag-uwi rin ang breeder ng nanalong kabayo na si Abalos ng P75,000, habang ang P45,000 at P30,000 ay ibinigay sa second at third placers, ayon sa pagkakasunod.

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with