^

PM Sports

Cool Smashers may patutunayan

Russell Cadayona - Pang-masa
Cool Smashers may patutunayan
Ang pagdiriwang ng Creamline sa panalo sa Choco Mucho sa Game One ng PVL All-Filipino Confe­rence Finals.
PVL photo

MANILA, Philippines — Aminado si Jema Ga­lanza na hindi na ito ang dating Creamline na ki­na­katakutan.

Ngunit sa Game One ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference Finals kama­kalawa ay ipinakita ng de­fending champions ang ka­nilang tikas.

Tinalo ng Cool Sma­shers ang Choco Mucho Flying Titans, 24-26, 25-20, 25-21, 25-16, sa series opener ng kanilang best-of-three title series sa harap ng 17,457 fans sa Smart Ara­neta Coliseum.

Sa elimination round ay nakalasap ag Creamline ng tatlong kabiguan bago tumapos bilang No. 4 seed sa single-round robin semifinals kung saan sila nagtala ng 2-1 baraha.

Kasama rito ang pagka­talo sa Choco Mucho.

“Ang daming pinagdaanan, nag-struggle kami ng sobra,” wika ni Galanza. “Kung titingnan n’yo hindi ito iyong Creamline na ki­lala n’yo, pero ganoon ta­laga hindi naman kami per­fect and iyon nga tuma­taas iyong level ng compe­tition lumalakas iyong mga players at iyong ibang teams.”

Sa panalo sa Flying T­tans sa Game One ng PVL Finals ay humataw si Galanza ng 20 points mula sa 18 attacks at dalawang blocks bukod sa 13 receptions.

Tuluyan nang makaka­mit ng Creamline ang ‘three-peat’ sa All-Filipino Conference at pang-wa­long korona sa kabuuan kung muling tatalunin ang Choco Mucho sa Game Two bukas sa Big Dome.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with