Ginto sa Paris
Top performer si Carlos Yulo na humatak ng tumataginting na four gold medals sa katatapos na 2024 Asian Artistic Gymnastics Championship sa Tashkent, Uzbekistan.
Magandang parte ng kanyang Olympic buildup ang kanyang ipinakita sa Tashkent meet highlighted ng top-podium finishes sa individual all-around, floor exercise, vault at parallel bars.
At showcase rin ito ng inaasahan sanang dominant performance mula kay Yulo sa 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.
Na-miss ito sa Hangzhou Asiad dahil minabuti ni Yulo na habulin kaagad ang Olympic slot sa noon eh kasabay ang world qualifying event para sa Paris Games.
Pero sa Tashkent naidiin ni Yulo na siya ang No. 1 male gymnast sa rehiyon – at siyempre top contender sa World Championships at sa Olympics.
Kung hindi nag-skip sa Asiad, madaling-madali sa Team Phl ang biggest harvest sa quadrennial regional games sa loob ng mahabang panahon.
Pero dahil nasa ibang competition si Yulo, nag-settle ang Team Phl sa four-gold haul, tabla sa parehong ipinakita sa previous Asiad sa Jakarta-Palembang noong 2018.
Siyempre naman, mas nakakaalam si Yulo sa kung ano ang mas magandang calendar of events para sa kanya.
Nag-qualify siya nang maaga sa Olympics at ngayon eh, four-gold winner sa Asian championships.
Kasama ni Yulo ang buong bayan na nag-aasam ngayon na sana kasunod ang ginto sa Paris.
- Latest