^

PM Sports

NU sinibak ang FEU, kakasa sa UST sa Finals

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasikwat ng National University Lady Bulldogs ang silya sa Finals matapos gilitan ang Far Eastern University Lady Tamaraws, 25-13, 27-25, 25-15 sa 86th UAAP women’s volleyball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.

Kumana sa opensa para sa Lady Bulldogs si Mhicaela “Bella” Belen matapos ilista ang 21 points upang tulungan ang koponan na isaayos ang kanilang date sa Finals kontra University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Mabangis na naglaro ang Lady Bulldogs sa unang dalawang sets, nasungkit agad ang panalo na nasaksihan ng mahigit 13,054 fans na nanood ng live.

Magaan na nagwagi ang NU sa set 1 matapos nilang tambakan ang katunggali pero napalaban sila ng todo sa second set bago nakuha ang panalo.

May tsansa sanang masuwag ng Lady Tamaraws ang panalo sa second frame matapos nilang makalamang ng dalawa, 16-14 pero mas naging determinado ang Lady Bulldogs para maselyuhan ang panalo at mamuro sa pagsampa sa Finals.

 Sa third set ay hinarurot na ng todo ng Lady Bulldogs ang Lady Tamaraws para tuluyang angkinin ang tagumpay.

Nasilat ang Lady Bulldogs sa unang laban nila ng Lady Tams kaya nagkaroon ng do-or-die Game 2 habang nilaglag agad ng Tigresses ang defending champion De La Salle University Lady Spikers.

Nakatakdang magharap sa best-of-three Finals ang UST at NU sa Sabado sa Big Dome.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with