^

Probinsiya

Kotse nag-dive sa tulay: 1 patay, 6 pa sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kotse nag-dive sa tulay: 1 patay, 6 pa sugatan
Mabilis na lumusong sa tubig ang mga nakasaksing residente upang sagipin ang mga na-trap na sakay ng kotse na nag-dive sa ilog mula sa isang tulay sa Brgy. Apad, Ragay, Camarines Sur, nitong Linggo. Patay ang driver ng kotse habang anim pang sakay na kaanak ang sugatan sa insidente.
FB photo

RAGAY, Camarines, Philippines — Patay ang isang lalaki habang sugatan ang anim niyang kamag-anak matapos mawalan ng kontrol ang kanilang sinasakyang kotse at nag-dive sa ilog mula sa itaas ng tulay sa national highway ng Brgy. Apad, Ragay, Camarines Sur, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Ragay District Hospital ang driver ng naaksidenteng Toyota Vios (WGN-229) na kinilalang si Pancho Sipalay, 54-anyos, residente ng Brgy. Santiago, Gen.Trias, Cavite.

Nilapatan naman ng lunas sa ospital ang mga sakay ng kotse na kinilala lang sa mga alyas na “Romar”; “Ayra”; Mae-ann”; “Alyssa”; pawang residente ng Brgy. Santiago, Gen.Trias; “Darwin” ng Brgy. Putatan, Muntinlupa City, at “Allan” ng Brgy. San Isidro, Palanas, Masbate.

Sa ulat, mag-aala-1 ng hapon mula sa Kamaynilaan patungo sanang lalawigan ng Masbate ang magkakaanak lulan ng kotse na minamaneho ni Pancho nang maganap ang hindi inaasahang trahedya.

Lumalabas na habang binabagtas ng nasabing sasakyan ang kahabaan ng highway nang mawalan ito ng kontrol sa ibabaw ng Hidong Bridge dahilan para dire-diretsong tumalon ang sasakyan sa naturang tulay at pabaliktad na nahulog sa ilog.

Mabilis namang sinaklolohan ng mga nakasaksing residente ang mga biktima na na-trap sa loob ng sasakyan saka isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay ang driver ng kotse.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with