^

PM Sports

Santos hataw sa panalo ng Baste

Nilda Moreno - Pang-masa
Santos hataw sa panalo ng Baste
Natisod sa first set pero lumabas ang bangis ng Lady Stags upang harurutin ang panalo sa tatlong natitirang laro.
STAR / File

MANILA, Philippines — Humataw si Katherine Santos ng 22 puntos upang akbayan ang San Sebastian College-Recoletos sa 23-25, 25-18, 25-23, 25-19 panalo laban sa Jose Rizal University sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament na nilaro sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan kahapon.

Natisod sa first set pero lumabas ang bangis ng Lady Stags upang harurutin ang panalo sa tatlong natitirang laro.

Dahil sa panalo, naitarak ng San Sebastian College ang pangalawang sunod na panalo sa walong salang pero wala na rin silang pag-asang sumampa sa playoffs.

Tumikada rin si Tina Marasigan ng 18 points mula sa 16 attacks at dalawang service aces.

Sinandalan ng Lady Bombers sa opensa si Karyla Jasareno matapos umiskor ng 18 markers pero nananatili sila sa i­lalim ng team standings taglay ang 1-7 baraha.

Samantala, sumalo sa two-way tie sa second spot sa team standings ang Letran matapos tuhugin ang 29-27, 20-25, 23-25, 25-23, 15-13 mahirap na panalo kontra San Beda University.

Umiskor si rookie sensation Gia Maquilang ng double double na 24 points mula sa 20 attacks, tatlong service ace at isang block kasama ang 11 excellent digs upang tulungan ang Lady Knights na ilista ang 6-2 karta at saluhan ang Lyceum of the Philippines.

vuukle comment

KATHERINE SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with