^

PM Sports

Petro Gazz, Chery Tiggo at PLDT lalapit sa Final 4

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong koponan ang di­dikit sa semifinals berth sa krusyal na bahagi ng eli­mination round ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Lalabanan ng Petro Gazz ang Galeries Tower nga­yong alas-2 ng hapon, habang haharapin ng Che­ry Tiggo ang Akari sa alas-4 ng hapon.

Sa alas-6 ng gabi ay sasagupain ng PLDT Home Fibr ang Cignal HD.

Magkasosyo sa lidera­to ang Choco Mucho at nag­­dedepensang Creamline sa magkatulad nilang 8-2 record kasunod ang Petro Gazz (7-2), PLDT (7-2), Chery Tiggo (7-2), Cig­nal (5-4), Akari (4-5), Farm Fresh (3-7), Nxled (3-6), Galeries (3-6), Capital1 (1-8) at Strong Group Athletics (0-10).

Wala pa sa Flying Titans, Cool Smashers, Gazz Angels, High Speed Hitters at Crossovers ang na­ka­katiyak ng semis ticket.

Lumabo naman ang pag-asa ng HD Spikers.

Umiskor ang Petro Gazz ng 25-13, 25-18, 25-17 panalo kontra sa Cignal para patibayin ang tsansa sa semis.

“Mas lumilinaw po iyong daan papunta sa se­mis pero hindi pa rin po tapos iyong eliminations, hindi pa rin po kami pu­we­deng mag-relax,” ani Gazz Angels team captain Remy Palma.

Hangad rin ng High Speed Hitters at Crossovers ang mahalagang pa­nalo sa kanilang mga laro.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with