^

PM Sports

Caloy naghahanda na para sa World Cup series

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na si world champion Carlos Edriel Yulo para sa partisipasyon nito sa prestihiyosong 2024 FIG Artistic Gymnastics World Cup series.

Sasalang si Yulo sa final leg ng series na idaraos sa Doha, Qatar sa Abril 17 hanggang 20 — ang huling pinakamalaking torneong lalahukan ni Yulo bago ang Paris Olympics sa Hulyo.

Nakatakdang umalis si Yulo patungong Doha sa Sabado kasama ang team nito at ilang opisyal ng Gymnastics Association of the Philippines.

Target ni Yulo na ma­ka­sikwat ng medalya sa Doha Leg ng series.

Sumalang si Yulo sa third leg ng World Cup series na ginanap sa Baku, Azerbaijan noong Marso 7 hanggang 10.

Sa Baku, nakasiguro si Yulo ng tansong medalya sa men’s floor exercise kung saan nanguna si Yahor Sharamkou ng Belarus habang pumangalawa si Kazuki Minami ng Japan.

Bago tumulak sa Doha, sumailalim na sa matin­ding pagsasanay si Yulo sa gymnastics facility ng GAP sa Intramuros, Manila.

Nagsanay din ng ilang linggo si Yulo sa Seoul, South Korea kung saan nakasama nito ang ilang gymnasts na sasabak din sa Paris Olympics.

Bantay-sarado ang training ni Yulo kasama ang ilang expert sa kanyang team.

Isa na rito si Hazel Calawod na isang Occupational Therapist.

Naniniwala si Calawod na malaki ang potensiyal ni Yulo na makasungkit ng medalya sa World Cup at sa iba pang torneong lalahukan nito partikular na ang Paris Games.

 

vuukle comment

CARLOS EDRIEL YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with