^

PM Sports

Sarno patuloy ang paglaban sa kabila ng pagsubok

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sesentro na ang atensiyon ni Vanessa Sarno sa paghahanda nito para sa Paris Olympics — ang pinakamalaking laban na kanyang haharapin na nais nitong mapagtagumpayan.

Sinariwa ni Sarno ang paghihirap nito bago maabot ang inaasam na tiket sa Paris Games.

Matamis na nasungkit ni Sarno ang puwesto sa kanyang kauna-unahang Olympics matapos ang impre­sibong ipinamalas nito sa IWF World Cup na ginanap sa Phuket, Thailand.

Maraming pinagdaanan si Sarno kung saan dugo’t pawis ang naging puhunan nito para maisakatuparan ang minimithing tagumpay.

Kaya naman hindi maitago ni Sarno ang saya dahil nagbunga ang lahat ng kanyang pagsisikap.

“Maraming taong nagdoubt, maraming taong su­mira, maraming masasakit na salita akong natanggap, mara­ming taong nagjudge, maraming  criticism akong natanggap,  maraming hindi magagandang kwento na lumabas about sa akin, chismis, issue at iba pa,” ani Sarno.

Aminado si Sarno na hindi madali ang buhay atleta. Maraming pagsubok na darating ngunit kaila­ngang maging matatag para malampasan ito.

Hindi nakaligtas si Sarno sa mga ganitong pagsubok. At malaki ang pasasalamat nito sa mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya.

 May mga pagkakataon na gusto na sumuko ni Sarno subalit hindi ito bumibitiw dahil pangarap nito ang patuloy na mabig­yan ng karangalan ang bansa.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with