^

PM Sports

Irving iniligtas ang Mavs

Pang-masa
Irving iniligtas ang Mavs
Niyakap ni Luka Doncic si Kyrie Irving matapos iligtas ang Mavs kontra sa Nuggets.

DALLAS — Isinalpak ni Kyrie Irving ang isang running left-handed shot sa pagtunog ng final buzzer para iligtas ang Mavericks kontra sa nagdedepensang Denver Nuggets, 107-105.

Tumapos si Irving na may 24 points habang umiskor si Luka Doncic ng 37 points sa seven-game winning streak ng Dallas (39-29) at makasama ang Phoenix Suns at Sacramento Kings sa isang virtual three-way tie para sa sixth at final guaranteed playoff spot sa Western Conference.

Ginabayan ni Jamal Murray ang Denver (47-21) sa kanyang 23 points at kumolekta si Nikola Jokic ng 16 points at 11 rebounds.

Nakabangon ang Nuggets mula sa isang 13-point deficit sa gitna ng fourth quarter para agawin ang 105-102 bentahe mula sa tiebreaking 3-pointer ni Murray sa huling 26 segundo.

Ang tres ni Doncic ang nagtabla sa Mavericks sa 105-105.

Matapos ang mintis na elbow jumper ni Murray sa panig ng Denver sa huling 2.8 segundo ay tumawag ng timeout ang Dallas na nagresulta sa winning basket ni Irving.

Sa Orlando, humataw si Paolo Banchero ng 29 points sa 111-96 panalo ng Magic (40-28) sa Toronto Raptors (23-45).

Sa Detroit, isinalpak ni Bam Adebayo ang isang tres sa pagtunog ng final buzzer sa 104-101 pagtakas ng Miami Heat (37-30) sa Pistons (12-55).

vuukle comment

KYRIE IRVING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with